Metro turf
Isang malaking tulong sa industriya ng karera sa bansa ang pagkakaroon ng isang bagong karerahan na tulad ng Metro Turf na matatagpuan sa Malvar, Batangas.
Isang makabagong 45-hectare racing facilities ang makikita sa nasabing bagong karerahan na pag-aari ng Metro Manila Turf Club na pinamumunuan ni Dr. Norberto Quisumbing Jr.
Nang makapanayam natin itong si Dr. Quisumbing tungkol sa kanyang bagong karerahan at ipinagdiinan niya na: “Our rich history in horseracing and our great racing facilities today are the main reasons why we are nearing the level of some great racing countries here in Asia. It’s about time that we should aspire in catching up with our Asian racing neighbors such as Japan, Hong Kong and Singapore.â€
Sinabi pa niya na hindi lang basta ginawa ang Metro Turf bilang isang ordinaryong racetrack. “Our single biggest mission in constructing this newest racetrack is to adopt the best racing policies, practices and systems in order to earn the goodwill, confidence and trust of the local and foreign racing community and the public.â€
Mga isang oras mula Maynila ang Metro Turf at ito ay madali nang mapupuntahan dahil bukas na ang 5-km highway na nagdudugtong sa dulo ng South Luzon Expressway at ang Star Tollway kaya naman hindi na kayo kakanan at dadaan pa sa Sto. Tomas, Batangas.
Nasa tabi lang ito ng Pres. J.P. Laurel Highway at kumpleto na sa lahat ng mga racing facilities na hinahanap ng mga may kabayo.
Ang sikat na Singaporean racetrack designer at builder na K. K. Kumar ang tumutok sa paggawa ng napakagandang racetrack kung saan tanaw na tanaw ang Mt. Makiling.
“This new racing facility can be compared to the best in the world today. This is also one of the best that I created so far and I am very thankful to the owner for his all-out support throughout the entire construction of the racetrack. The local horsemen would surely be happy with it as it conforms to the international standards,†ang sabi ni Kumar na nakatakdang bumalik sa bansa para mapaghandaan ng husto ang pagsisimula ng karera sa ikatlong linggo ng Pebrero.
May habang 1,525 meters ang racetrack at may kabuuang 46 poste ng makabagong ilaw ng General Electric ang nakapalibot sa kabuuan nito.
May napakagarang Clubhouse na para sa mga invi-ted guests at dignitaries at magandang Grandstand para sa mga manonood ang nasa tabi halos ng racetrack.
May 24 na cubicles ang Grandstand para sa mga horseowners, trainers, guests at para na rin sa mga paying visitors na gustong makalasap ng preskong hangin mula sa kabundukan at makita ang kabuuan ng racetrack.
“Kumpleto ang aming Grandstand na gawa ng nangungunang gaming totalizator company ng mundo na United Tote at napakarami ring mga wide-screen LED televisions para sa mga racing fans,†ang sabi naman ni racing manager na si Rudy Prado.
Idinagdag pa niya na pinangangalagaan din ng bagong racetrack ang mga kabayong tatakbo doon dahil may slanted banking sa tuwing iikot sa kurbada ang mga tumatakbong kabayo. Wala itong mga sharp curves at may tatlo kaming mga chutes na nakaakma sa international standards,†dagdag pa ni manager Prado.
“Many horsemen have expressed their approval of our stables here. More than 600 stall have already been completed and many have already been occupied. There are several other phases of construction for the stabling area while other vacant lots in the perimeter have already been purchased by big owners who are already set to construct their own stables,†sinabi pa niya.
- Latest
- Trending