White ni-reinstate ng Rockets, ipinadala sa D-League

HOUSTON – Ni-reinstate ng Houston Rockets ang suspindidong si rookie forward Royce White at nakatakda itong mag-report sa developmental league affiliate ng koponan sa Feb. 11.

Ang 6-foot-8 White, 16th overall pick sa nakaraang draft, ay nasa inactive list ng buong season habang nakikipag-ayos ito sa koponan sa kanyang problema sa pagbibiyahe dahil mayroon itong  anxiety disorder kung saan takot itong sumakay ng eroplano.

Sinabi ng Rockets noong Sabado na may napagkasunduan na sila para maresolbahan ang kanyang problema na inaprubahan ng liga at ng player’s union.

Laging may post si White sa Twitter sa mga nangyayari sa problemang ito.

Sinuspindi ng Rockets si White noong Jan. 6 matapos nitong tanggihan ang paglilipat sa kanya sa Rio Grande Valley sa NBDL.

 

Show comments