^

PM Sports

NCR-West kampeon ng Shakey’s Girls volley

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng NCR-West ang makasaysayang kampanya sa 11th Shakey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions nang kanilang padapain ang Central Visayas, 25-22, 26-24, 28-26, sa one-game finals na pinaglabanan noong Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang panalo ang kumumpleto sa 5-0 sweep sa 10-koponang liga na inorganisa ng Metro Sports at suportado ng Shakey’s matapos kalusin sa Pool A elims ang Mindanao, 25-14, 24-26, 27-25; Central Luzon, 25-18, 25-5 at NCR South, 25-14, 13-25, 25-22.

Ito ang ikalawang sunod na taon na kampeon ang delegasyon na pinangunahan ng Hope Christian High School at nakuha din ng paaralan ang ikaapat na kampeonato sa 10 taon nang liga.

Makasaysayan ang edisyon dahil unang pagkakataon ito na may dayuhang koponan, ang Victoria ng Australia, ang dumating para sumali at sinuwerte rin ang NCR-West na sa Pool B nalagay ang bisitang koponan.

Hindi naman pinalad ang Aussie team dahil da-lawang maagang talo ang inabot sa kamay ng Western at Central Visayas para mamaalam agad.

Kuminang para sa NCR-West ay si Desiree Cheng na nasa huling taon ng paglalaro sa liga.

Sa ikalawang sunod na taon, si Cheng ang hinirang bilang Best Blocker at Most Valua-ble Player ng liga, mga individual awards na posibleng magbigay daan para sa magandang offers mula sa UAAP teams dahil ang mga coaches  ng mga paaralan ng liga ay masusing tumutok sa naganap na aksyon.

BEST BLOCKER

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DESIREE CHENG

GIRLS VOLLEYBALL TOURNAMENT-OF-CHAMPIONS

HOPE CHRISTIAN HIGH SCHOOL

METRO SPORTS

MOST VALUA

NINOY AQUINO STADIUM

POOL A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with