Wesley tinalo si Gundavaa para masolo ang liderato sa Asian Zonals
Tagaytay City, Philippines --- Tinalo ni GrandÂmasÂter (GM) Wesley So (Elo 2682) si IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia (Elo 2522) sa fifth round para solohin ang pamumuno sa Asian Zone 3.3 Chess Championships dito sa Tagaytay InÂternational Convention Center.
Ipinoste ng tubong Bacoor, Cavite ang 4.5 points matapos ang limang rounds sa Nine Round Swiss-system event kung saan nakataya ang dalawang tiket para sa 2013 World Cup sa Tromso, Norway.
Nagtabla ang laro nina No. 2 GM NguÂyen Ngoc Truong Son ng Vietnam (Elo 2631) at GM Darwin Laylo (2491).
Si Ngoc Truong Son, kumuha ng liÂmang gold medals sa 2005 Manila SouthÂeast Asian Games, ay nasa losing poÂsition subalit nagawang makipag-draw sa Marikina ace na si Laylo patuÂngo sa kanyang 4.0 points para sa solo seÂcond place.
Magkasalo sa third hanggang eighth places na may tig 3.5 points sina defenÂding champion GM Susanto MegaranÂto ng Indonesia, FM Gombosuren MuÂnkhgal ng Mongolia, Laylo, 12-time naÂtional open champion GM Rogelio AnÂtonio, Jr. at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.
Nauwi sa draw ang laban nina MeÂgaranto at Doc Hoa, habang binigo ni Munkhgal si GM Dao Thien Hai ng Vietnam at nakawala si Antonio sa kaÂbabayang si FM Haridas Pascua.
Nanalo si GM Mark Paragua kay GM Eugene Torre at hiniya ni GM John Paul Gomez si FM Rudin Hamdani ng Indonesia.
- Latest