^

PM Sports

May yumaman na naman sa Winner Take All

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampung araw nang lumabas ang kauna-unahang milyonaryo ng karera ay nasolo uli ng isang mananaya ang malaking dibidendo sa Winner Take All sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nasa P2,143,583.40 ang tinamaan ng masuwerteng mananaya na naisama sa ruta ang mga dehadong kabayo na Fearless, Storm Trooper at Will Of Destiny na kuminang sa races two, six at eight.

Pinatawan ng pinakamagaan na peso na 49 at 50 kilos ang Fearless at Storm Trooper at ginabayan nina Dar De Ocampo at JV Ponce habang ang Will Of Destiny ay hinawakan ni RC Barrete  na nadehado sa class division 2 race.

Sa race two nagsimula ang tagisan sa WTA at ang naunang P3.3 milyon sales ay bumagsak sa P191,106.00 nang manggulat ang Fearless na rumemate mula sa ikatlong puwesto at nauluhan ang nakasabayang Highway Builder. Nagpasok ng P62.00 ang win habang ang 2-1 forecast ay may P532.50.

Ang Storm Trooper ang pinakadehadong kabayo na nanalo sa unang gabi ng pista sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. at nakuha ang tagumpay nang mahusay na ipinuwesto ni Ponce ang kabayo sa labas para makaharurot at mangibabaw ng halos tatlong dipa  sa dehado ring Musashi. Pumalo sa P69.50 ang win habang P1,464.00 ang kinabig ng mga nakataya sa 6-2 forecast.

Natapos ang panggugulat ng mga dehadong kabayo sa pamamagitan ng Will Of Destiny na nakakuha ng panalo sa ikalawang takbo matapos isantabi ang lakas ng Thunder Ribbon. Halagang P48.50 ang win at P281.00 sa 6-9 forecast ang mga naging dibidendo.

ANG STORM TROOPER

CAVITE

DAR DE OCAMPO

HIGHWAY BUILDER

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

STORM TROOPER

THUNDER RIBBON

WILL OF DESTINY

WINNER TAKE ALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with