Blackwater, Cagayan agawan sa No. 2
MANILA, Philippines - Magrarambulan ngayon ang Blackwater Sports at Cagayan Valley Rising Suns para sa huling awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Trinity University of Asia Gym.
Ikapitong panalo ang nakataya sa mananalong koponan sa larong mapapanood matapos ang pagkikita ng Cebuana Lhuillier at Informatics sa ganap na ika-2 ng hapon.
Ang Elite ang nasa ikalawang puwesto sa 6-2 baraha habang nasa ikatlo ang Rising Suns sa 6-3 at ang papalarin ang makakasama ng pahingang NLEX Road Warriors sa Final Four.
“Kailangan namin na makontrol ang pace ng laro. Dapat ding bantayan namin ang kanilang mga guards para lumakas ang aming laban,†wika ni Elite mentor Leo Isaac na nanalo sa Gems, 91-80 at Café France, 81-58, sa kanilang huling mga laro.
May two-game winning streak din ang Rising Suns sa mas matinding 107-93 at 77-59 dominasyon sa Fruitas at Big Chill, ayon sa pagkakasunod upang maging kondisyon sa mahalagang laban.
“Mabigat na kalaban ang Blackwater at sana ay may ilabas pa ang mga bata,†wika ni Cagayan coach Alvin Pua.
Si Eliud Poligrates ang siyang aasahan sa opensa ng sophomore team na Suns matapos magtala ng 23 puntos averages sa dalawang naipanalong laro.
Hanap naman ng Gems na makuha ang una sa dalawang kailangang panalo para magkaroon pa ng tibay ang paghahabol na makaiwas sa maagang bakasyon.
May 3-5 baraha ang Cebuana Lhuillier at natalo sila sa tatlo sa huling apat na laro.
Kailangang makuha ng Gems ang dating tikas dahil ang Icons ay magnanais na wakasan ang kampanya sa liga tangan ang dala-wang sunod na panalo.
Galing ang Icons sa 94-87 panalo sa Big Chill upang wakasan ang walong sunod na pagka-talo.
- Latest