Pamilya Maloof pumayag nang ibenta ang Kings sa Seattle
SEATTLE -- Halos limang taon na nang itago ang kanilang mga uniporme, banners at history nang ilipat ang kanilang prangkisa, ngayon ay malapit nang magbalik ang SuperSonics sa Seattle.
At ang Kings ay malapit nang umalis sa Sacramento.
Ang hinihintay na lang ay ang pag-apruba ng mga NBA owners.
Nagkasundo ang pamilya Maloof na ibenta ang Kings sa grupo ng Seattle sa pangunguna ng investor na si Chris Hansen, ayon sa kumpirmasyon ng liga sa isang statement nitong Lunes ng umaga. Naka-pending pa ang deal dahil hinihintay pang magbotohan ang mga NBA Board of Governors.
Sinabi ng isang taong pamilyar sa desisyon na bibilhin ng grupo ni Hansen ang 65 percent ng franchise, na may presyong $525 million para ilipat ito sa Seattle at ibalik ang pangalan ng SuperSonics.
Kasama sa presyo ng bilihan ang relocation fees. Umaasa rin ang grupo ni Hansen na mabibili nila ang minority investors.
Makukuha ng pamilya Maloof ang $30 million non-refundable down payment sa Feb. 1 base sa deal, ayon pa sa source.
Puwede pa rin silang tumanggap ng ibang offer hangga’t hindi inaapru bahan ng liga ang bentahan.
Ang presyo ng Kings na $525 ay hihigit sa NBA record na $450 million nang ibenta ang Golden State Warriors noong 2010.
Ang plano ng Hansen group na paglaruin ang koponan sa susunod na dalawang seasons sa KeyArena bago lumipat sa bagong arena sa Seattle.
- Latest