My Big Osh ginulat ang Gypsy Genius, Esprit De Corps at Shining Again sa San Lazaro noong Huwebes
MANILA, Philippines - Sinorpresa ng My Big Osh ang walong nakalaban nang lumabas bilang piÂnakadehadong kabayo na kuminang sa idinaos na pista noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite.
Ipinagabay sa pagkaÂkaÂtaong ito kay Antonio AlÂcasid, Jr. ang apat na taong colt na anak ng Conquistarose sa Doc’s Magic at nabago ng beteranong class A jockey ang timpla ng kabayo para makuha ang unang panalo sa taon.
Walang epekto ang kaÂtotohanang malayo ang pinanggalingan ng kaÂbaÂyo dahil nasa ika-pitong puÂwesto ito sa alisan nang ipaÂkita ang lakas ng resisÂtensya.
Sa labas idinaan ni AlÂcasid ang kabayo bago tuÂluyang iniwan ng halos dalawang dipa sa meÂta ang Gypsy Genius na diniskartehan ni Pat DiÂlema.
Ang Esprit De Corps na paborito dahil sa dalawang dikit na panalo ay tuÂmapos sa ika-limang puÂwesto lamang.
Ang Shining Again na diÂniskartehan ni JB Guce at nanalo sa huling laban ay pumang-apat lamang sa karera.
Ang di inaasahang panalo ng My Big Osh ay nagpasok ng P70.50 sa win, habang nasa P612.00 ang dibidendo sa 3-4 forecast.
Hindi nakontento si AlÂcasid sa nakuhang panalo dahil sa sumunod na karera na race 5 ay naipanalo pa ang Fort Alamo sa isang 4YO Philracom HanÂdicap (06) race.
Nakatulong sa panalo ng tambalan ang panglulutsa ng Madam Theresa sa paboritong Puuma para maÂubos ito pagpasok sa far turn.
Humalili sa liderato ang Fort Alamo at naisanÂÂtabi ang malakas na pagÂdaÂÂting ng Elegant April na kinapos ng kalahating agÂÂwat sa meta.
Ikalawang takbo ito ng kabayo sa taong 2013 at naÂkabawi mula sa ikapitong pagtatapos sa isang HanÂdicap (07) race para maÂkapagpasok ng P21.50 sa win at P55.00 sa 4-5 forecast.
Ang double combination na magkasunod na paÂnalo ng mga kabayo ni Alcasid na 3-4 ay may P301.50 dibidendo.
- Latest