^

PM Sports

Tagumpay ni LeBron, tagumpay ng Miami

Pang-masa

OAKLAND, Calif. --- Nagtagal ng ilang minuto sina coach Erik Spoelstra at team president Pat Riley sa locker room para ipagdiwang ang bagong naitalang record ni LeBron James.

Nagsigawan at nag-usap ang mga players sa gitna ng locker room.

“Everybody took a shot at him - a punch, a jab, an elbow, whatever they could get in before he started hitting back,” sabi ni Spoelstra.

Hinirang si James bilang pinakabatang player sa kasaysayan ng liga na nakaiskor ng 20,000 points at nilampasan din ang record sa 5,000 assists matapos igiya ang Heat sa 92-75 paggiba sa Golden State Warriors.

Tumapos si James na may 25 points, 10 assists at 7 rebounds sa loob ng 30 minuto para sa kanyang naitalang bagong marka sa kasaysayan ng NBA.

“It means everything,’’ ani James. “It means a lot. First of all, like I continue to say, it means I’ve been able to be healthy. To be out on the floor and do what I love to do, I love the game of basketball and I try to give everything to the game. And hopefully it conti-nues to give back to me.’’

Naungusan ni James ang naturang dalawang marka bago ang halftime at tinulungan ang Miami na makapagtayo ng isang 34-point lead sa third quarter na nagbigay kay Spoelstra ng tsansang ipahinga ang kanyang mga starters.

 

ERIK SPOELSTRA

GOLDEN STATE WARRIORS

HINIRANG

NAGSIGAWAN

NAGTAGAL

NAUNGUSAN

PAT RILEY

SPOELSTRA

TUMAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with