Talk ‘N Text natutong dumepensa: PBA postmortem
MANILA, Philippines - Kung meron mang pinakamalaking dahilan kung bakit nagkampeon uli ang Talk ‘N Text sa katatapos lamang na 2012-13 PBA Philippine Cup, ito na siguro ang transpormasyon nito bilang isang offensive team na natuto ring manalo sa pamamagitan ng depensa.
Sa bawat post-game interview sa finals, halos parang naging sirang plaka na si head coach Norman Black sa pagtukoy sa kanilang depensa bilang dahilan ng kanilang panalo.
Pero depensa talaga ang nagpanalo sa koponang tinapos ang conference sa pagiging No. 1 sa opensa sa kanilang 93.2 ppg scoring average.
“I knew they were already a great offensive team. My whole goal was to make them win whether they score a hundred or when they score 60,†pahayag ni Black sa koponang minana nito mula kay dating coach Chot Reyes na ngayon ay Gilas Pilipinas National team coach na. “It was difficult at the start but once they started to buying into what I wanted to accomplish, it was easy from thereon.â€
Napanalunan ng Talk ‘N Text ang kanilang pa-ngatlong sunod na all-Filipino title at pang-apat sa huling limang seasons sa pamamagitan ng isang 4-0 sweep kontra sa Rain or Shine sa kanilang best-of-7 championship series.
Nagtala ng makasaysayang kampeonato ang Tropang Texters matapos limitahan ang Elasto Painters sa average na 81.0 puntos lamang sa serye at hindi lumagpas ng 82 points ang Rain or Shine sa lahat ng laro.
“That has always been my philosophy even as a player – defense wins championships,†dagdag ni Black, na binigyan ang Talk ‘N Text ng all-Filipino three-peat tatlong buwan makaraang bigyan ng five-peat sa UAAP ang Ateneo.
Tinambakan ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine, 105-82 noong Linggo para tapusin na ang serye at bigyan ang prangkisa ni Manny V. Pangilinan ng pang-anim na kampeonato nito sa PBA.
“Rain or Shine just caught a Talk ‘N Text team that was playing great basketball. The team was playing out of its mind actually in the second half. Sometimes it happens like that when you happen to play like a hot team at the right time,†paliwanag ni Black tungkol sa panalo kung saan nagtala ang Tropang Texters ng league conference high 34 assists at 14 three-point field goals made.
- Latest