^

PM Sports

Marquez lalaban din sa Abril

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ni Manny Pacquiao, hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung sino ang lalabanan ni Juan Manuel Marquez ngayong 2013.

Hindi rin alam ni Fernando Beltran ng Zanfer Promotions, ang promoter ni Marquez, kung kailan muling aakyat ng bo­xing ring ang 39-anyos na Me­xican fighter.

“Marquez has not made any decision yet re­gar­ding his career,” wika ni Beltran sa panayam ng BoxingScene.com kaha­pon.

Pinatumba ni Marquez (54-6-0, 39 KOs) ang 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis­yembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaaring sa Abril ay maaari nang lumaban ang Filipino world eight-division champion ka­sunod ang pagtatakda sa ka­nilang pang-limang pag­haharap ni Marquez sa Set­yembre.

Sa Singapore o Macau ang sinasabing pagdarausan ng susunod na laban ni Pacquiao sa Abril.

Sa Dallas Cowboys Sta­dium naman sa Arlington, Texas itatakda ni Beltran ang susunod na laban ni Marquez.

“My projection is that if Pacquiao has a fight for April in Singapore, let him do that,” ani Beltran. “I believe that for Mar­quez it is important to fight and make history at the same time and I would like him to do it at Cowboys Stadium.”

Posibleng makaharap ni Pacquiao sa Abril si world lightweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs).

Sinabi rin ni Arum na ipapatingin muna niya ang Sarangani Congressman sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic bago ni­ya planuhin ang mga su­sunod na laban ni ‘Pacman’. (RCadayona)

ABRIL

BAM BAM

BELTRAN

BOB ARUM

BRAIN HEALTH

CLEVELAND CLINIC

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with