4 teams wala pang import na ipaparada sa Commissioner’s Cup
MANILA, Philippines - Halos tatlong linggo na lamang ang natitira para sa ilang koponan na magÂhanap ng import at ma-ensayo ng husto kasama ng kanyang mga local teamÂmates bilang paghahanda sa daraÂting na PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Feb. 8.
Sa ngayon ay may apat pang kopoÂnang wala pang import para sa daraÂting na second conference kung saan walang height limit ang imÂports.
Ang mga ito ay ang defending PBA ComÂmissioner’s Cup champion na San Mig Coffee, Talk ‘N Text, Air21 at Alaska.
Nais ibalik ng Mixers si Denzel Bowles na naging malaking bagay sa kaÂnilang pagkampeon noong nakaraang season pero naglalaro pa ito sa China kung kaya’t naghahanap pa sila sa kasalukuyan.
Si Smart Gilas naturalized player at dating Air21 import Marcus DoutÂhit ang kinokonsidera ng Tropang TexÂters dahil sa kanyang experience sa paglalaro sa bansa bukod pa sa kanyang pagiging pamilyar sa ilang plaÂyers ng TNT na naglaro na dati para sa National team.
Pero nagbago na ang isip ng Talk ‘N Text sa kanya para makapaghanda laÂlo si Douthit sa darating na kampanya ng bansa sa FIBA-Asia Championships sa Agosto sa Maynila.
Balitang pinag-iisipang pabalikin ng Aces ang mga dating imports nitong siÂna Diamon Simpson na pinagkampeon ang koponan sa 2010 Fiesta Conference at maging si Adam Parada.
Pero hanggang sa sinusulat ang pitak na ito ay wala pa rin silang kasiguraduhan kina Simpson at Parada.
Si dating Memphis Grizzly Michael DuÂnigan naman ang kausap ng Air21.
Ang mga koponang nakakalamang na at nag-eensayo kasama ang kani-kaÂnilang mga imports sa kasalukuyan ay ang Barangay Ginebra San Miguel sa piÂling ni Herbert Hill at Petron Blaze na may Renaldo Balkman.
Parating naman kagabi si 7-3 Bruno Sundov para sa Rain or Shine, ang maÂgiÂging pinakamatangkad na import sa buÂong kasaysayan ng PBA.
Ang iba pang koponang may imports na pero parating pa lamang ay ang GloÂbalport (Justin Williams), Barako Bull (Evan Brock) at Meralco (Eric DawÂson).
(FMangonon III)
- Latest