Ateneo lady spikers, malinis pa rin
MANILA, Philippines - Nagpalit na ang taon pero nananatiling matikas ang laro ng Ateneo nang dagitin nila ang ikaanim na sunod na panalo sa pagbabalik ng UAAP women’s volleyball nitong nakaraang Sabado at Linggo.
Noong Enero 6, nasalang ang Eagles at si Alyssa Valdez ay nagpasabog ng 30 puntos upang pangunahan ang koponan sa 22-25, 25-23, 25-18, 23-25, 15-11, panalo sa Adamson.
May 23 hits, 4 blocks at 3 service aces si Valdez para mapantayan niya ang career-high sa liga.
Nasa ikalawang puwesto pa rin ang La Salle sa 5-1 baraha. Ang UST ay kapantay ng Adamson sa 3-2 habang ang FEU ay may 3-3 karta.
Anim na sunod sa Adamson sa UAAP softball
Lumapit sa isang panalo ang Adamson tungo sa sweep sa first round sa UAAP softball sa pamamagitan ng 8-1 panalo laban sa UP na nangyari noong Sabado sa Rizal Memorial Field.
Isinantabi ng two-time defending champion Lady Falcons ang unang iskor ng Lady Maroons sa third inning sa kinamadang tig-apat na runs sa sumunod na dalawang frames tungo sa paglista sa ikaanim na sunod na panalo.
Nanalo rin ang UST sa La Salle, 11-2, upang makuha ang 4-1 karta ng Lady Tigresses habang umangat ang UE sa 3-2 baraha sa pamamagitan ng 7-3 panalo sa host National University.
Magandang panimula sa defending baseball champion NU
Umiskor ng winning run ang pamalit na si Marcial Gante sa bottom seventh bago ipinamalas ng MVP pitcher noong nakaraang taon na si Aris Oruga ang kanyang husay tungo sa 3-2 panalo ng nagdedepensang National University sa UP.
- Latest