^

PM Sports

Salt Mine kuminang kay AR Villegas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kuminang agad ang Salt Mine nang gulatin ang mga pinaborang kabayo na nakaharap sa pagtatapos ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo.

Si AR Villegas ang sumakay sa Salt Mine na nakita ang tikas nang walang nakasabay sa malakas na naipakita sa 1,000m distansyang  karera.

Hindi napaboran ang nasabing kabayo pero pinagbayad ang mga di nanalig sa tuling taglay nang napabayaan agad sa liderato tungo sa banderang-tapos.

Naorasan ang Salt Mine ng 12, 22’. 26 kuwartos tungo sa 1:00.8 winning time at halos apat na dipa ang agwat sa meta sa pumangalawang Humble Submission na sakay ni JA Guce.

Lumabas ang kabayo bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa araw na ito nang nagpasok ng P26.50 sa win habang ang 4-5 forecast ay naghatid ng P142.50 dibidendo.

Humabol din ng panalo ang Don  Paolo na napangatawanan   ang pagiging liyamado sa siyam na tumakbong kabayo sa huling race 9.

Pinabayaan lamang ng Don Paolo ang Ramfire Tiger na magdomina hanggang sa  huling 400m ng karera bago tuluyang inilabas ang angking tulin tungo sa halos dalawang dipang panalo sa dehadong nakatunggali.

Nagbigay ng P5.00 ang dibidendo sa win pero ang 8-2 forecast ay inabot pa ng P54.00 dibidendo para mapasaya pa ang mga dehadista.

 

vuukle comment

CARMONA

CAVITE

DON PAOLO

GUCE

HUMABOL

HUMBLE SUBMISSION

RAMFIRE TIGER

SALT MINE

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with