^

PM Sports

UST Tigresses sinagpang ang UE Lady Warriors

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsanib-puwersa sina Maika Ortiz at Judy Ann Caballejo upang tulungan ang UST sa 26-24, 25-21, 25-23, panalo sa UE sa pagbabalik-laro ng UAAP wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Ortiz ang nanguna sa UST mula sa kanyang 16 puntos na nagmula sa 12 hits at 4 blocks, habang ang beteranong si Caballejo ay naghatid ng 8 kills tu­ngo sa 10 puntos para patatagin ng UST ang kapit sa ikaapat na puwesto.

Nakatulong din ang dalawang blocks ni Jessie De Leon na may walong puntos para punuan ang di pag­lalaro ni Maru Banaticla.

Ika-limang sunod na pagkatalo ang nalasap ng La­dy Warriors na binalikat nina Sarina Bulan at Shiesa Nebrida na nagtambal sa 25 puntos.

Nalusutan naman ng Adamson ang UP sa larong tumagal ng limang sets, habang nanaig ang La Salle sa straight sets kontra sa Ateneo sa mga laro sa men’s division.

Gumawa ng 25 kills si Ron Jay Galang para pa­ngunahan ang Falcons sa 25-19, 17-25, 26-24, 21-25, 15-13, panalo laban sa Maroons.

May 13 kills si Christopher Antonio para pamunuan ang Green Archers sa kanilang 25-14, 25-18, 25-15, panalo sa laban sa Blue Eagles.

BLUE EAGLES

CHRISTOPHER ANTONIO

GREEN ARCHERS

JESSIE DE LEON

JUDY ANN CABALLEJO

LA SALLE

MAIKA ORTIZ

MARU BANATICLA

RON JAY GALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with