^

PM Sports

Toroman gigiyahan ang Barako Bull

FMangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang oras matapos ma­­kuha ang kanyang release paper mula sa Petron Blaze, nasa negosasyon na si dating national team head coach Rajko Toroman para maging head coach ng Barako Bull.

Nakipagpulong si To­ro­man kahapon sa mga opis­yales ng Energy Cola pa­ra sa kanyang posibleng pag-take over ng puwestong iniwan ni Junel Ba­culi, ang bagong head coach ng Globalport.

Pero wala pang pormal na napagkasunduan ang magkabilang panig.

May isa pang meeting sa susunod na linggo si To­roman sa Barako Bull para ayusin ang anumang gu­sot pang natitira patu­ngo sa kanyang paglipat sa bagong koponan matapos masibak bilang consultant ng Boosters sa ka­la­gitnaan ng elimination round ng 2012-13 PBA Phi­lippine Cup.

“We will discuss the final details and I want to finish off what I started with Petron at Barako,” dagdag pa nito. “We’ll just discuss some details about the team, I don’t want to jump immediately be­cause I want the job.”

Mas gusto daw ni Toroman ang mag-coach ke­sa maging consultant.

“I am not a consultant. It’s not in my nature. I am really looking for an opportunity to coach, and there goes the offer (from Ba­rako),” wika ni Toroman sa isang pana­yam sa mga sportswri­ters ma­ta­pos ang kanyang pa­ki­kipag-usap sa Barako Bull sa EDSA Shangrila Hotel sa Mandaluyong.

Inamin din nito ang pa­kiramdam niyang hindi si­ya binigyan ng importansya sa kampo ng Petron Blaze kung kaya’t por­mal itong humingi ng kanyang release sa nasabing ballclub.

“I feel I wasn’t important. So I left (San Miguel) because I really want a head coaching job,” paha­yag ng 52-anyos na dating head coach ng Smart Gilas. “There is a difference between coaching and being a consultant.

Nauna nang pinayagan ng Petron Blaze ang pag-alis ni Toroman sa ka­nilang kampo sa pamamagitan ng isang statement na ni-release sa sports media.

“Management approved Mr. Toroman’s request and wishes him well in his future endeavors,” pa­hayag ng San Miguel Corporation.

Samantala, dahil sa nangyayaring negosasyon na ni Toroman at ng Ba­rako Bull, ang dating na­babalitang papalit kay Ba­culi na si Pido Jarencio ay babalik na lamang sa kanyang dating puwesto bilang head coach ng UST sa UAAP at isa sa mga assistant coaches sa Petron Blaze.

Hindi nagkasundo si Ja­rencio at ang Energy Co­la.

vuukle comment

BARAKO BULL

COACH

ENERGY CO

ENERGY COLA

JUNEL BA

MR. TOROMAN

PETRON BLAZE

SHY

TOROMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with