Global FC nakakuha ng tiket para makalaro sa AFC President’s Cup
MANILA, Philippines - Dahil sa maganda niÂlang kampanya sa United Football League, nakaÂkuha ng tiket ang Global FC para makapaglaro sa AFC President’s Cup 2013, ang club version ng AFC Challenge Cup.
Ito ang ibinunyag ni Global FC team manager Dan Palami, namamahala din sa Philippine Azkals, sa kanyang Twitter account na @dscpalami kaÂhapon.
“Looking forward to Global FC’s participation in the AFC President’s Cup 2013,†ani Palami sa kanyang Twitter. “I have yet to receive the guidelines. I’m just glad they approved our request.â€
Sinabi ni Palami na idaÂraos ng AFC President’s Cup ang kanilang group stage mula sa MaÂyo 2 hanggang 12 at ang final stage ay sa Setyembre 23 hanggang 29.
“We are pleased to inÂform you that the orgaÂnizing committee of the AFC President’s Cup and Challenge Cup as well as the AFC’s compeÂtitions comÂmittee have apÂproved Global FC’s parÂtiÂcipation in the AFC PreÂsident’s Cup 2013,†wika ni Datu Alex Soosay sa liÂham para kay acting PhiÂlippine Football FedeÂration secretary-general Atty. Edwin Gastanes kaÂmaÂkailan.
Tinalo ng Global sa isang tiebreak ang Kaya FC sa UFL League noÂong Hunyo at nakapasok sa finals ng UFL Cup kung saan naman sila naÂÂtalo, 1-2, sa nagkamÂpeong Stallion FC.
Sasabak din sa AFC PreÂÂsident’s Cup ang BangÂladesh, Bhutan, CamÂboÂdia, Chinese Taipei, KyrÂgyzstan, MongoÂlia, NeÂpal, Pakistan, PaÂlestine, Sri Lanka at TurkÂÂmeÂnistan.
- Latest