^

PM Sports

New York ipinagpag ang pagod na San Antonio

Pang-masa

NEW YORK -- Umiskor si Carmelo Anthony ng 23 points, habang nagdagdag si J.R. Smith ng 20 para wakasan ng New York Knicks ang seven-game winning streak ng San Antonio Spurs sa bisa ng 100-83 panalo noong Hu­webes ng gabi.

Nagdagdag naman si Steve Novak ng 15 points at humakot si Tyson Chandler ng 10 points at 14 rebounds upang iba­ngon ang Knicks mula sa magkasunod nilang kabiguan.

Sinamantala ng New York ang kapaguran ng San Antonio sa final period.

Ito ang ikalawang sunod na laro ng San Antonio sa dalawang sunod na ga­­bi.

“They shot the hell out of it and I could see it wasn’t going to happen,” sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “Just too low on fuel and their defense was too good. Bad combination, and then they made shots, which makes it even worse.”

Nagtala si Tim Duncan at Tony Parker ng tig-11 points para sa Spurs.

Naglaro lamang si Ste­phen Jackson ng tatlong minuto mula sa bench bago magkaroon ng sprained right ankle in­­jury matapos tumira at bu­­magsak sa isang waitress sa sideline sa harap ni Ma­yor Michael Bloomberg.

Pinasaya naman ni Smith, umiskor ng 25 points sa huling apat niyang laro bilang isang reserve, ang mga fans nang isalpak ang isang acroba­tic dunk sa fourth quarter.

Ang lobbed pass ay nanggaling kay reserve point guard Pablo Prigioni, tumapos na may 6 points at 9 assists.

“That’s their scheme, to try to take me out of the game,” ani Anthony. “Just a matter of us ma­king shots when we swing the ball, and Novak made shots, J.R. kept his streak alive of playing good bas­ketball, Pablo came in and led our team from the point guard position. Every­body contributed in their own way.”

Umiskor ang Knicks ng unang 10 points sa fourth period para ilista ang malaking 17-point lead kontra sa Spurs.

CARMELO ANTHONY

GREGG POPOVICH

MICHAEL BLOOMBERG

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

PABLO PRIGIONI

POINTS

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with