^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps player of the week

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Ryan Araña ng Rain or Shine ang nahirang na Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggo mula December 24 hanggang 30.

Ito ay matapos maging pinaka-consistent na pla­yer ng Elasto Painters sa kanilang pag-abante kontra sa San Mig Coffee, 3-1, sa kanilang best-of-seven semifinals series para sa 2012-13 PBA Philippine Cup, isang bentahe na naging 3-2 matapos magwagi ang Mixers, 79-67, sa Game 5 noong nakaraang Sabado.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Rain or Shine para makapasok sa pangalawang sunod na PBA Finals appearance pero kauna-unahan sa isang all-Filipino conference.

Naitala ni Araña ang lahat ng kanyang walong puntos sa second quarter sa Game 3 kung saan na-outscore ng Elasto Painters ang Mixers, 33-15, patungo sa 98-72 pananambak at isang 2-1 na bentahe sa serye.

“Si Ryan, he’s the kind of player who doesn’t complain about his playing time or the kind of role you want him to play and that makes him very welcome in our organization,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao sa dating La Salle Green Archer, napiling pang-12 pick overall sa 2007 PBA Draft.

Sa Game 4 naman ay nagtapos ng may 13 puntos, siyam sa third quarter si Araña, bukod pa sa tig-da­lawang rebounds at assists at tatlong steals sa naging 83-74 panalo ng Rain or Shine sa San Mig Coffee at nagresulta sa 3-1 kalamangan sa serye.

Ang mga kontribusyon sa opensa ni Araña ay bu­kod pa sa pagtulong din nito sa pagdepensa sa top player ng San Mig Coffee na si James Yap na hirap na hirap sa serye at may 33.3% shooting mula sa field.

Ito ang kauna-unahang beses sa career ni Araña na nahirang itong Player of the Week.

Tinalo ni Araña para sa nasabing karangalan ang kanyang mga teammates na sina Jeff Chan at Chris Tiu at sina Kelly Williams at Larry Fonacier ng Talk ‘N Text.

May 3-2 bentahe din ang Tropang Texters laban sa Alaska Aces sa kanilang semifinals showdown.

 

 

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

ALASKA ACES

CHRIS TIU

ELASTO PAINTERS

JAMES YAP

JEFF CHAN

KELLY WILLIAMS

LA SALLE GREEN ARCHER

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with