Itinabla ng Alaska: Ang semis series vs TNT
MANILA, Philippines - Itinabla ng Alaska sa 2-all ang best-of-7 semifinal series nito kontra sa defending champion Talk ‘N Text sa pamamagitan ng 104-99 panalo kagabi sa Game 4 ng kanilang serye sa 2012-13 PBA Philippine Cup playoffs sa Mall of Asia Arena.
Muntikan nang saya-ngin ng Aces ang 13-point na kalamangan may 9:31 pa ang natitira sa laro nang naibaba ito ng Tropang Texters sa 94-96, may 1:28 na lamang ang naiwan sa game clock. Pero isinalba sila ng triple ni Cyrus Baguio at nag-5-of-6 mula sa 15-foot line sina JVee Casio at Dondon Hontiveros para pigilan ang rally ng TNT.
Ang 22 puntos ni Casio at 18 ni Baguio ang nanguna sa limang players na umiskor ng double figures para sa Alaska samantalang natalo naman ang Talk ‘N Text bagamat anim na players ang umiskor ng 11 puntos o higit pa sa pagbibida ng 17 ni Jimmy Alapag.
Samantala, iiwas ma-eliminate ang San Mig Coffee sa Game 5 ng semifinal series nito kontra sa Rain or Shine sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Mall of Asia Arena.
Pero ayon kay Mixers head coach Tim Cone, mangyayari lamang ito kapag binigyan ng respeto ng referees ang kanyang pinakamagaling na player na si two-time MVP James Yap pagdating sa officiating.
“I’m not going to say too much about it because we need our focus elsewhere but in my 24 years, I’ve never seen a superstar like James receive so little protection from the refe-rees or the league,” pahayag ni Cone patungkol sa hindi pagbigay ng maraming tawag na foul sa mga bumabantay kay Yap.
Sa kanilang serye kung saan nasa 1-3 na hukay ang Mixers matapos matalo, 83-74 noong Huwebes, pipilitin nilang pahabain pa ang serye sa kanilang alas-6:30 ng gabing paghaharap.
- Latest