^

PM Sports

Pinakadehadong nanalo ang Roxy Eyes

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakondisyon ang Roxy Eyes upang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa ikalawang gabi ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.

 Ang apprentice rider na si Dar De Ocampo ang siyang kuminang sa anim na taong kabayo na umuna lamang pagpasok sa huling kurbada sa class division 1-B race sa 1,400m distansya.

Wala sa porma ang mga  napaborang kabayo dahil ang Miss Pangao na sakay din ng apprentice rider na si LT Cuadra Jr. ang nakaremate pa para malagay sa ikalawang puwesto.

Tapos na ang Pasko pero may karagdagang aginaldo ang mga mananaya dahil nagpamahagi ang win ng Roxy Eyes ng P84.50 habang P1,388.00 ang dibidendo sa 3-7 forecast. Ang nanalong kabayo na may lahing Conquistarose sa inahing Beautiful Eyes ay na­nalo gamit ang magaan na peso na 50.5 kilos.

Isa pang dehado na nanalo ay ang Ooh La La’s Gold ni GM Mejico na nanalo sa huling race 7 sa 1,400m distansyang karera.

Nagpamahagi ang di inaasahang panalo ng Ooh La La’s Gold ng P49.00 habang P113.50 ang dibidendo sa 2-8 forecast.

Lumabas bilang pina-kaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Mr. Integrity sa 1,400m class division six race.

Bumalik sa grupo ang kabayong sakay ni jockey JB Bacaycay matapos bu­maba at nanalo sa class di­vision 5 sa huling takbo at hindi naman ipinahiya ni Bacaycay ang pagtitiwa­la ng mga karerista sa husay ng kabayo nang manalo sa Symphony.

Ang win ay mayroong P5.00 pero bumawi ang dibidendo sa forecast sa P27.50 dibidendo.

 

vuukle comment

BACAYCAY

BEAUTIFUL EYES

CARMONA CAVITE

CUADRA JR.

DAR DE OCAMPO

MISS PANGAO

MR. INTEGRITY

OOH LA LA

ROXY EYES

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with