^

PM Sports

AFF magbibigay ng $100K tulong sa mga nasalanta ng bagyong Pablo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbibigay ng hala-gang US$100,000.00 ang ASEAN Football Federation (AFF) bilang kanilang tulong sa mga nabiktima ng bagyong Pablo na nanalasa sa Mindanao.

Inanunsyo ito ni AFF president na si His Royal Highness Sultan Haji Ahmad Shah sa isinagawang AFF Council Meeting noong Disyembre 22 sa Bangkok, Thailand.

Ang nasabing halaga na halos nasa P4.2 milyon piso, ay ipagkakatiwala sa Philippine Football Fe-deration (PFF) at ibibigay ito sa Enero, 2013.

Nauna rito ay ang pagdo-donate ng Philippine Azkals ng halagang $50,000.00 na kanilang premyo matapos marating ang semifinals ng 2012 AFF Suzuki Cup para sa mga apektado ng nasabing bagyo.

Nanalasa ang bagyong Pablo na may internatio-nal code name na Typhoon Bopha, noong unang linggo ng Disyembre at tinatayang nasa 1,500 katao ang bilang ng namatay habang libu-libo pang tao ang nakahimpil sa mga evacuation centers at naghihintay ng karagdagang tulong para makabangon uli.

Samantala, ang Singapore na siyang tumalo sa Pilipinas sa semifinals, ang siyang hinirang na kampeon ng torneo.

Naunang nanalo ang Singapore sa kanilang home game, 3-1, bago kumubra ang Thailand ng 1-0 panalo sa Bangkok noong Sabado. Pero ang Lions ang naging kampeon dahil sa 3-2 aggregate score.

Ito ang ikaapat na titulo ng Singapore sa Suzuki Cup at ipinagkait nila ang pang-apat na kampeonato sa Thailand.

COUNCIL MEETING

DISYEMBRE

ENERO

FOOTBALL FEDERATION

HIS ROYAL HIGHNESS SULTAN HAJI AHMAD SHAH

INANUNSYO

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE FOOTBALL FE

SUZUKI CUP

TYPHOON BOPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with