^

PM Sports

7th place ang Team-UAAP Phils.

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kinaya ni Johansen Aguilar na madepensahan ang titulo sa men’s 200m backstroke para magkaroon lamang ng tatlong pilak ang Team UAAP-Philippines sa pagtatapos ng 16th ASEAN University Games noong Miyerkules sa Vientiane, Laos.

Ininda pa ni Aguilar ang pananakit ng tiyan dala marahil ng food poisoning para makontento sa pilak na medalya sa paboritong event sa naisumiteng 2:09.09 tiyempo. Ang ginto ay naiuwi ni Glen Victor Sutanto ng Indonesia sa 2:08.36.

Si Claire Adorna ay nakakubra pa ng pilak sa women’s 200m backstroke sa 2:27.01.

Ang ikatlong pilak ay galing kay Gabriel Gumila ng judo sa men’s over 81 up to 90 kilogram division.

Sa pagtatapos ng isang linggong torneo, ang Pilipinas ay nakontento sa 2 ginto, 12  pilak at 16 bronze medals.

Ang ginto ay naihatid nina taekwondo jins Christian Al dela Cruz at Ernest John Mendoza.

Ngunit ang naitala ay sapat lamang para sa ikapitong puwesto at nahigitan ang delegasyon ng Singapore na may 3 ginto, 6 pilak at 23 bronze medals.

Kampeon sa edisyong ito ang Malaysia sa 60-45-70 medal tally kasunod ang Vietnam (56-35-28), da-ting kampeon na Thailand (42-51-55), Indonesia (41-52-57) at host Laos (30-34-44).

 

AGUILAR

CHRISTIAN AL

CRUZ

ERNEST JOHN MENDOZA

GABRIEL GUMILA

GLEN VICTOR SUTANTO

ININDA

JOHANSEN AGUILAR

SI CLAIRE ADORNA

UNIVERSITY GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with