^

PM Sports

Namayagpag mga paboritong kabayo

AT - Pang-masa
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga paboritong mga kabayo ang paniniwala sa kanilang kakayahan ng bayang karerista nang mauwi sa mga liyamado ang nangya-ring unang gabi ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Martes. Namuno sa mga napaborang kabayo na nangi-babaw ay ang Dugo’s Fantasy na ipinagabay sa apprentice rider na si Dar De Ocampo kahalili ang beteranong si Jeffrey Bacaycay na naipanalo ang nasabing kabayo sa huling dalawang takbo. Mahusay ang diskarte ng bagong hinete dahil hindi niya hinayaan na lumayo ang naunang kumawala na My Queen ni jockey Jonathan Hernandez. Nagpasok ng P10.00 ang dibidendo ng win habang ang 6-7 forecast ay nagpamahagi ng P21.50. Puno naman ng enerhiya ang kabayong High Voltage at Mr. Xavier na siyang pinakaliyamadong nanalo sa unang araw ang 6-araw na karera sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI). Si JA Guce ang sakay ng High Voltage na nahigitan ang pangalawang puwestong pagtatapos noong Disyembre 12 sa pagtakbo sa CD7-6. Tinalo ng High Voltage ang Gabbi’s Choice na nadehado pa para sa P38.00 dibidendo sa 4-2 forecast habang balik-taya ang ibinigay sa win. Balik-taya rin ang nangyari sa win ng Mr. Xavier na tumakbo kasama ang coupled entry na Remus. Si JB Cordova ang nasa ibabaw ng Mr. Xavier na nakatikim ng panalo sa ikatlong takbo sa buwan ng Disyembre. Pangalawa ang Erica’s Champ na segundo paborito sa mananaya para magkaroon ng P11.00 ang 7-8 forecast.

vuukle comment

BALIK

DAR DE OCAMPO

DISYEMBRE

HIGH VOLTAGE

JEFFREY BACAYCAY

JONATHAN HERNANDEZ

MR. XAVIER

MY QUEEN

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with