Top trade candidates
MANILA, Philippines - Karamihan sa mga NBA players na pumirma noong nakaraang offseason ay puwede nang i-trade nitong Sabado.
Ibig sabihin, dahil maraming eligible players na puwedeng i-trade, siguradong magiging abala ang mga NBA general managers sa telepono sa susunod na linggo.
“It’s about to heat up on Dec. 15,” sabi ng isang Eastern Conference general manager. “Conversations are definitely happening because once Dec. 15 comes, the pool increases. You’ve heard a lot of rumors about Pau Gasol, Andrea Bargnani. The names are only going to grow on Dec. 15.”
Narito ang listahan ng mga players na inaasahang lulutang sa mga trade talks mula ngayon hanggang sa Feb. 21 na araw ng deadline liga para sa mga trade deals.
Andrea Bargnani: Toronto Raptors, 27, PF-C
Contract status: Three years, $33.25 million ang natitira. Player opt-out sa 2014. May 5 percent bonus kung mate-traded.
Nakatengga si Bargnani dahil sa injury sa siko at pulso ngunit matinik sa triple area.
Marshon Brooks: Brooklyn Nets, 23, SG
Contract status: Kumikita ng $1.1 million sa ikalawang taon ng kanyang rookie contract.
Si Brooks ay nag-a-average ng 12.6 points ngunit nang dumating si Joe Johnson, bumaba ito sa 6.2 points sa kanyang unang 14 games ngayong season.
Andrew Bynum: Philadelphia 76ers, 25, C
Contract status: Kumikita ng $16.1 million sa huling taon ng kanyang contract.
May nararamdaman pa ring pananakit si Bynum sa kaliwang tuhod kaya hindi pa ito nakakapaglaro para sa Sixers, ngunit umaasa siyang makakalaro na siya sa 2013. Magiging free agent siya pagkatapos ng season at inaasahang hihingi ng five-year contract na tinatayang magkakahalaga ng $100 million ngunit baka bumaba ito dahil sa kanyang health problems.
Jose Calderon: Toronto Raptors, 27, PG
Contract status: Kumikita ng $10.5 million sa huling taon ng kanyang contract. May 10 percent bonus kung mate-traded.
Ilang beses nang lumutang ang pangalan ni Calderon sa trade talks partikular sa Los Angeles Lakers.
Tyreke Evans: Sacramento Kings, G-F, 23
Contact status: Kumikita ng $5.2 million sa final year ng kanyang contract. Magiging restricted free agent pagkatapos ng kasalukuyang season.
Nakipag-usap na si Evans kay Kings general manager Geoff Petrie, ayon sa source. Sa tingin ni Evans kayang tapatan ng team ang anumang matatanggap niyang alok para manatili siya sa Kings.
Pau Gasol: Los Angeles Lakers, 32, PF
Contract status: Kumikita ng $19 million ngayong season at nakatakdang kumita ng $19.2 million sa susunod na season. May 15 percent bonus siya kapag na-trade.
Muntik nang ma-trade si Gasol sa Houston Rockets noong nakaraang taon at nagiging usap-usapan pa rin ito hanggang ngayon.
Tyler Hansbrough: Indiana Pacers, 27, PF
Contract status: Kumikita ng $3.1 million sa kanyang final contract year. Magiging restricted free agent pagkatapos ng season.
Si Hansbrough ay nag-a-average ng career-lows na six points, 4.2 rebounds at 16.1 minutes ngunit magiging mahusay na frontcourt addition sa kahit na anong koponan.
Gerald Henderson: Charlotte Bobcats, G-F, 25
Contract status: Kumikita ng $3.1 million sa huling taon ng kanyang kontrata. Magiging restricted free agent pagkatapos ng season.
Si Henderson ay nag-a-average ng 15.1 points noong nakaraang season ngunit dahil sa injury sa paa, 13-game ang na-miss niya.
Kevin Love: Minnesota Timberwolves, 24, PF
Contract status: Nasa unang taon ng kanyang four-year, $60 million contract. Puwedeng mag-opt out pagkatapos ng 2014-15 season.
Kinuwestiyon kamakailan ni Love ang direksiyon ng Minnesota sa ilalim ni owner Glen Taylor at general manager David Kahn.
Paul Millsap: Utah Jazz, 27, PF
Contract status: Kumikita ng $8.6 million sa huling taon ng kanyang contract.
Naghahabol ang Utah Jazz sa playoff at mayroon silang dala-wang starting big men na nasa huling taon ng kanilang kontrata na sina Millsap at Al Jefferson.
Timofey Mozgov: Denver Nuggets, 26, C
Contract status: Kumikita ng $3.1 million sa huling taon ng kanyang contract. Magiging restricted free agent pagkatapos ng season.
Sa kanilang tatlong centers, handang pakawalan ng Nuggets si Mozgov na napatunayan nang maaasahan siya sa kanyang maigsing NBA career at Olympic stint.
Anderson Varejao: Cleveland Cavaliers, 30, PF-C
Contract status: May $27.1 milyong natitira sa huling tatlong taon ng kanyang kontrata. May 5 percent bonus kapag na-trade.
Si Varejao ay nasa kanyang All-Star season sa pag-a-verage ng 14.3 points at 14.8 rebounds sa 22 games.
Derrick Williams: Minnesota Timberwolves, 21, F
Contract status: Kumikita ng $4.8 million sa ikalawang taon ng kanyang rookie deal.
Nakakadismaya ang career ni Williams sa Minnesota matapos mapili bilang second overall noong 2011 draft.
- Latest