Ito ang simula para kay Donaire
HOUSTON - Wala pang plano si Nonito Donaire pagkatapos ng kanyang laban kontra kay Jorge Arce ngunit ang kanyang tagumpay sa kanilang laban sa Linggo ang magbubukas ng maraming oportunidad sa kanya sa susunod na taon.
“It’s just the beginning, hopefully. Just keep on winning, that’s the main thing,” sabi ni Donaire, dalawang araw bago niya itaya ang kanyang WBO super-bantamweight title.
Sinabi ng promoter ni Donaire na si Bob Arum na ang 30-gulang na Filipino fighter ay makakakuha ng hindi bababa sa $1 million sa kanyang laban sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Toyota Center dito.
“This is his biggest purse. It’s seven digits,” sabi ni Arum kay Donaire na sasabak sa kanyang ikaapat na laban ngayong taon kaya malaki ang posibilidad na manalo siya ngayong taon bilang Fighter of the Year.
Masaya si Donaire na dumami na ang kanyang laban di tulad noong mga nakaraang taon na nagha-hanap talaga siya ng laban.
Noong 2008, bilang IBF flyweight champion, isang beses lang siya lu-maban.
Aniya, narito na ang oportunidad at nais niyang samantalahin ito.
“It’s better now because then I was small and there wasn’t much network buying the smaller division. But when I went to 122, they want me to fight more on their network,” aniya.
Sa kanyang laban kontra kay Japaneses Toshiaki Nishioka noong October, kumita si Donaire ng humigit-kumulang $800,000.
“The more I reach a higher level in weight, the more that they’ll put me in their network,” dagdag ni Donaire na kinapanayan sa main lobby ng Hyatt Regency sa Houston.
Nag-shopping muna si Donaire kasama ang asawang si Rachel at may panahon siya at pera para dito dahil sanay naman siya sa gabi mag-workout.
“If I train in the mor-ning sometimes I already feel sleepy heading to the fight. So, this time I’ve been training at night. It’s better for my body clock,” aniya.
Ang official weigh-in ay nitong Biyernes sa PlazAmericas Mall.
- Latest