Miami bagsak sa Golden State: Sa layup ni Draymond Green
MIAMI -- Isang rookie ang nagbida para sa Golden State Warriors at sinamantala ang panghihina ng depensa ng defending champion Miami Heat sa huling mga segundo ng fourth quarter para kunin ang 97-95 panalo.
Isinalpak ni Draymond Green, ang second-round draft pick mula sa Michigan State, ang isang layup sa natitirang 0.9 segundo para pangunahan ang tagum-pay ng Warriors laban sa Heat.
Naiwanan nina Ray Allen at Shane Battier si Green para sa winning basket nito.
“With the last shot, coach didn’t point out who specifically was going to take the shot,’’ wika ni Green. “We were going to find out who was open and make the best play. Of course guys are going to go with Klay (Thompson) and Steph (Curry). I just happened to be wide open and (Jarrett Jack) found me.’’
Tumipa si Klay Thompson ng season high 27 points para banderahan ang Warriors, nasa isang five-game winning streak.
Pinamunuan naman ni LeBron James ang Miami sa kanyang 31 points sa pagtatala ng 20-point mark sa ika-25 sunod na laro, ang pinakamahaba ngayon sa NBA.
- Latest