Rowing Regatta sa Enero 13-20
MANILA, Philippines - Lalahok ang mga amateur rowers mula sa walong bansa sa 71st ARAE-FEARA Internatioal Rowing Regatta na nakatakda sa Enero 13-20 sa Paoay, Ilocos Norte.
“We hope this regatta will help boost rowing as a potential sport for tapping future world-class Filipino rowers in international competition,” ani Bruce Curran, ang media relations officer ng nag-oorganisang Manila Boat Club, kahapon sa PSA forum.
Ang mga koponang sasali sa torneo ay mula sa Dubai, United Arab Emirates; Sri Lanka, India, Pakistan, Singapore, Hong Kong, United Kingdom, New Zealand at ang Pilipinas.
Ang mga kategorya ay ang men’s, women’s at mixed single, double, four at eight-scull classes.
- Latest




















