Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Marquez
LAS VEGAS – Sobrang nadismaya si Juan Manuel Marquez nang matalo kay Manny Pacquiao noong November ng nakaraang taon sa kanilang ikatlong paghaharap kaya inambisyon niyang magkaroon ng isa pang pagtutuos.
Nandito na ngayon.
“After the third fight I was very upset. But I said to myself what’s the point so after a while I sat down with my team and my family,” sabi ni Marquez. “We thought maybe there’s an opportunity for a fourth fight. It may not be realistic then but here it is now.”
Ito na ang huling pagkakataon ni Marquez na pabagsakin si Pacquiao na hindi niya naisakatuparan sa unang tatlong laban.
Sinisisi niya ang mga judges sa kanyang huling dalawang pagkatalo at kahit na ang resultang draw ng kanilang unang laban noong 2004.
“Everybody thinks I won those fights. Everybody knows what happened in those fights,” sabi ni Marquez na umaasang magiging patas sa pag-iskor ang mga judges.“I’m hoping they see the right thing and they see what happens inside the ring.”
Ang mga judges para sa laban ay sina Adelaide Byrd ng Las Vegas, Steve Weisfeld ng New Jersey at John Keane ng England.
Sa katunayan, sa sobrang pagkadismaya ni Marquez, ayaw na niyang gawin sa Las Vegas ang laban.
“I did not want to fight in Las Vegas. I wanted it in Mexico. Manny Pacquiao said he wanted Mexico, too. I don’t know what happened with the promoter,” sabi ni Marquez.
Ngunit narito na siya ngayon sa Sin City para harapin si Pacquiao.
Pinaghandaang maigi ni Marquez ang laban at gusto niyang ang kanyang pangalan ang ihahayag na panalo pagkatapos ng sagupaan.
Nagawa na niya ang lahat laban kay Pacquiao ngunit sadyang mailap ang panalo.
“Now I want the people to tell me I really beat him. I want to have my hands raised,” pahayag ng determinadong si Marquez.
- Latest