^

PM Sports

Hipolito nakatiyempo sa Perfect Timing

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipagkaloob ni jockey Roderick Hipolito ang hanap na tagumpay ng connections ng Perfect Timing nang dominahin ang sinalihang class division 4 noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pamalit na hinete si Hipolito dahil si AR Villegas ang dating hinete ng Perfect Timing na hindi tumimbang sa tatlong takbo na ginawa sa buwan ng Nobyembre.

Pero napalabas ng beteranong si Hipolito ang angking husay ng nasabing kabayo nang pangunahan ang 1,200m distansya at hiniya ang isa pang di napaborang Restless Heart.

Ang mga inakalang magbibigay ng magandang laban na Action Sailor at Ferrarione ay nalagay lamang sa ikatlo at apat na puwesto.

Dahil dito, natapos ang dalawang sunod na pagpapanalo ni JPA Guce sa Action Sailor habang bigo si RR De Leon na ibigay ang ikalawang sunod na tagumpay sa Ferrarione.

Long shot sa gabi ang Perfect Timing matapos maghatid ng P46.00 sa win habang ang 8-7 forecast ay mayroong P668.50 dibidendo.

Ikalawang panalo ito ni Hipolito matapos ga-bayan sa tagumpay ang Euromax sa race 6 na tulad ng Lord Of War  na nanalo sa class division 7-6 ang lumabas bilang pinakaliyamadongkabayo na kuminang sa ikala-wang gabi ng pista sa Philippine Racing Club Inc.

Sisimulan naman sa araw na ito ang selebras-yon ng 13th Philtobo Racing Festival sa pamamagitan ng pagtatalaga sa lahat ng siyam na karera bilang mga Invitational Race.

Tiyak na palaban ang mga napiling kabayo dahil tatanggap ang mga mananalo ng P135,000 premyo bukod pa sa bunos prize na P30,000 na paghahatian ng apat na mangungunang kabayo kung ang mga may-ari ay mga Philtobo members.

Sa Linggo, magsasagawa ng stakes race ang samahan na isasabay sa pagtakbo ng prestihiyosong PCSO Presidential Gold Cup.

 

vuukle comment

ACTION SAILOR

DE LEON

FERRARIONE

HIPOLITO

INVITATIONAL RACE

LORD OF WAR

PERFECT TIMING

PHILIPPINE RACING CLUB INC

PHILTOBO RACING FESTIVAL

PRESIDENTIAL GOLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with