Heat bumalik sa tuktok ng NBA Power Rankings
MANILA, Philippines - Matapos mawala sandali, bumalik ang Miami Heat sa taas ng NBA Power Rankings ng Yahoo! Sports matapos ang mga laro noong Linggo.
Nagbalik sa itaas ang Heat matapos ang anim na sunod na panalo.
Walo sa susunod na 10-games ng Miami ay sa kanilang sariling balwarte, kabilang ang anim na sunod pagkatapos ng laro nitong Martes kontra sa Washington. May 8-0 record ang Miami sa homecourt.
1. Miami Heat (12-3, dating ranking: second): Matapos manalo ng unang NBA title at Olympic gold medal, napili si James bilang Sportsman of the Year ng Sports Illustrated.
2. San Antonio Spurs (14-4, dating ranking: third): Noong una ay nakakawalang gana ang Spurs pero ngayon ay binabantayan na sila matapos pagmultahin ng $250,000 nang kanilang ipahinga ang mga key players.
3. Memphis Grizzlies (12-3, dating ranking: first): Ang Grizzlies ay umariba ngunit natapos agad ang pagkakalagay sa unahan ng rankings matapos matalo sa San Antonio.
4. Oklahoma City Thunder (14-4, da-ting ranking: fourth): Alam mong mahusay ang isang team kung kaya nilang ibaba ang dalawang talented rookies na tulad nina Jeremy Lamb at Perry Jones III sa NBA D-League.
5. New York Knicks (12-4, dating ranking: sixth): Nanalo ang New York ng tatlong sunod at haharap sa Miami sa Huwebes. Ang lahat ng talo ng New York ay sa road games at sunud-sunod na ang nagkaka-injury.
6. Brooklyn Nets (11-5, dating ranking: fifth): Dapat nang kalimutan ng Nets ang 13-puntos na pagkatalo sa Miami noong Sabado. Susunod nilang kalaban ang Thunder at ang umiinit na Warriors ngayong linggo.
7. Los Angeles Clippers (11-6, dating ranking: second): Isa pang senyales na pi-pirma uli si Chris Paul sa Los Angeles-- ang matagal nang PR Hornets na si Dennis Ro-gers ay ang PR na ngayon ni Paul sa Clippers.
8. Atlanta Hawks (9-5, dating ranking: seventh): Tahimik na ipinanalo ng Atlanta ang apat sa huling limang laro. Masusubukan sila ng husto kontra sa Denver at Memphis ngayong linggo.
9. Philadelphia 76ers (10-7, dating ranking: 13th): Ang Sixers ay may 5-6 losing record kontra sa Eastern Conference teams na nakalaban. Parang pang-All-Star ang laro ni Jrue Holiday.
10. Golden State Warriors (10-7, dating ranking: 11th): Kung kailan marami nang natutuwa sa Warriors, bigla naman silang natalo sa Magic sa sariling balwarte.
- Latest