^

PM Sports

Spurs ibinuhos ang galit sa Memphis

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Matapos pagmultahin ng $250,000 ang Spurs, umiskor si Tony Parker ng 30 points kasunod ang 27 ni Tim Duncan bukod pa sa kanyang 15 rebounds para ibigay sa San Antonio Spurs ang 99-95 overtime victory kontra sa Memphis Grizzlies.

Bago ang laro ay sinabi ni coach Gregg Popo-vich na dismayado siya sa ipinataw na $250,000 ni NBA Commissioner David Stern matapos pauwiin ng Spurs sina Parker, Duncan at Manu Ginobili - ang tatlo sa pinakamala-laking pangalan sa liga - sa San Antonio mula sa isang road trip imbes na labanan si LeBron James at ang Miami Heat noong Huwebes sa isang nationally televised game.

Hindi naman nagsisisi si Popovich sa kanyang naging desisyon na ipahinga ang 36-anyos na si Duncan at sina Parker at Ginobili.

Ito ang pinakamagandang inilaro ni Duncan ngayong season, habang nilampasan ni Parker ang kanyang 30 points sa ikatlong pagkakataon sa kanilang huling limang laro at isinalpak ni Ginobili ang isang 3-pointer sa huling minuto sa fourth quarter para itulak ang kanilang laro ng Grizzlies sa overtime.

Ayon kay Parker, ang dalawang araw na pahinga ay nagbigay sa kanya ng enerhiya sa extra period.

“We definitely always have Pop’s back. Me, personally I really appreciate what he’s done for my career,’’ ani Parker. “Because of him, I’ve been playing all those years and all those summers with the national team because he’s always protecting me. Timmy’s the same way and Manu is the same way.’’

Sinabi ni Popovich na hindi niya alam kung gagawa ng apela ang Spurs at may plano pa rin siyang ipahinga ang kanyang mga top players sa mga susunod na laro.

Pinangunahan naman ni Marc Gasol ang Memphis mula sa kanyang 20 points, habang naglista si Zach Randolph ng 17 points at 15 rebounds.

 

COMMISSIONER DAVID STERN

DUNCAN

GINOBILI

GREGG POPO

MANU GINOBILI

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

MIAMI HEAT

POPOVICH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with