Cagayan Rising Suns nananalasa na
Parang kailan lang na ang Cagayan Rising Suns ang kulelat sa D-League. Nung isang araw, tinalo nila convincingly ang Cebuana Lhuillier.
Dating kulelat pero ngayo’y nananalasa na at kasama sa mga nasa unahan ng standings.
Talagang nagpalakas ng line-up ang Cagayan and now, they’re reaping the fruits of their revamp.
***
May masakit sa groin ni Mark Caguioa.
Naramdaman niya ‘yan matapos ang laro laban sa Rain or Shine. Sana ay hindi naman ito masama. Hindi siya nag-practice nung isang araw para sa Ginebra.
***
Ginawang ambassadors ng Samsung ang magka-patid na sina Jeron at Jeric Teng.
Pumunta sila sa launch ng Samsung Note 2. Pag-uwi nila, binigyan na sila ng latest unit ng Samsung.
***
Nanalo ang Azkals sa Vietnam.
Medyo nabuhay na ulit ang interes ng mga tao sa Azkals.
Pero hindi pa rin ganun katindi tulad ng dati.
Ang Azkals kasi ngayon, kapag titingnan mo, parang wala nang purong Pinoy.
Marami ang hindi maka-identify na Pinoy sa kanila.
***
Ang mga courtside reporters ng AKTV sa PBA, parang aatend ng debut party kapag nagko-cover sila ng games.
‘Yung mga babae mismo, hirap na hirap maglakad dahil ang tataas ng heels nila.
Puwede naman silang mag-sportswear.
***
Ini-reserve ng Cebuana Lhuillier si Dave Najorda.
Kinuha siya ng Erase Placenta kaya lalaro na siya para sa team ni Coach Aric del Rosario.
***
Naglalaro na ang dating Air21 player na si Pong Escobal sa Fruitas sa D-League.
Inilagay din siya sa reserve list kaya sinunggaban din agad siya ng Fruitas para sa kanilang backcourt.
Natalo ang Fruitas pero nagpakitang gilas agad si Escobal dahil gumawa siya ng lagpas sa 20 points.
- Latest