^

PM Sports

Maagang makakabalik si Rubio sa Minnesota

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang impresibong 5-2 simula na wala si All-Star Kevin Love bukod pa sa pagkawala ng ibang injured players, natalo ng limang sunod ang Minnesota Timberwolves. Tatlo sa limang pagkatalong iyon, nakalaro na si Love.

Surpresang nagbalik laro si Love noong Miyerkules nang hindi pa inaasahan matapos mabalian sa kaliwang kamay sa training camp.

Mahalaga ang bawat panalo sa Western Confe-rence  dahil 2 1/2 games lamang ang layo ng fourth team sa 13th spots sa  playoff bracket matapos ang halos isang buwang aksiyon.

May balitang posibleng bumalik si Ricky Rubio  ng mas maaga sa inaasahan.

Inaasahang lalaro ang  Spanish guard  bago mag-Pasko matapos mapunit ang kanyang ACL.

Ayon kay David Khan, hindi siya maglalagay ng time-table sa pagbabalik ni Rubio.

Ngunit walang dudang malapit nang bumalik sa paglalaro si Rubio at hindi na ito aabutin ng Pasko. Intensibo ang kanyang pagwo-workout at nag-shooting na ito at ginagawa na ang ibang drills kaya posibleng makabalik na ito sa kaagahan ng December.

vuukle comment

ALL-STAR KEVIN LOVE

AYON

DAVID KHAN

INAASAHANG

INTENSIBO

MINNESOTA TIMBERWOLVES

PASKO

RICKY RUBIO

RUBIO

WESTERN CONFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with