^

PM Sports

Gonzales nangunguna pa rin

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy na hinahawakan ni Ed Gonzalez ang unang puwesto kung palakihan ng kinita sa horse racing ang pag-uusapan.

Pumalo na sa P11,543,957.07 ang naipasok na pera sa kanya ng mga mahuhusay na pa-ngarerang kabayo para layuan na  ang pumapanga-lawang si Aristeo 'Putch' Puyat. May 86 panalo ang mga inilaban ni Gonzales bukod sa 59 segundo, 45 tersero at 46 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nasa P10,232,377.46 na ang premyong napanalunan ni Puyat mula sa 70 panalo 57 segundo, 56 tersero at 45 kuwarto puwestong pagtatapos ng mga isinali.

Ang dating nasa liderato na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay nasa ikatlong puwesto na sa P9,871,030.08 dahil nagkaroon lamang siya ng 30 panalo, 15 segundo, 18 tersero at 14 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nangunguna sa kanyang kuwadra ang Triple Crown champion Hagdang Bato sa naipasok na P8,865,977.05 mula sa walong sunod na panalo.

Si Sixto Esquivias IV ang nasa ikaapat na puwesto bitbit ang P8,565,545.12 (42-26-32-45) habang si Herminio Esguerra ang nasa ikalimang puwesto sa P7,319,192.65(48-34-20-40).

Nasa pang-anim na si Leonardo 'Sandy' Javier Jr. sa P7,121,641.55 (44-30-27-26) kasunod sina Jade Bros Freight sa P5,978,374.28 (34-37-52-41), Antonio Floirendo Sr. sa P5,934,615.41 (36-31-39-26) at Atty. Narciso Morales sa P5,745,033.16 (35-34-34-53).

vuukle comment

ANTONIO FLOIRENDO SR.

ED GONZALEZ

HAGDANG BATO

HERMINIO ESGUERRA

JADE BROS FREIGHT

JAVIER JR.

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

NARCISO MORALES

PUYAT

SI SIXTO ESQUIVIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with