^

PM Sports

Wala pa ring kupas ang Hagdang Bato

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa rin napipigil ang dominasyong ginagawa ng Hagdang Bato nang manalo pa sa SMB-MARHO Cup 3YO Mile race noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Naipamalas uli ang magandang kondisyon ng kabayo na sinakyan ni Jonathan Hernandez para kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos nang walang nakasabay sa apat na nakatunggali sa 1,600m karera.

May 1:43.6 tiyempo ang kabayong may lahing Yonaguska sa Fire Down Under at halos tatlong dipa ang inilayo sa pumangalawang Penrith para hagipin ang P500,000 premyo mula sa P900,000 na pinaglabanan.

Isang Triple Crown champion, ang Hagdang Bato lamang ang paboritong kabayo na nanalo sa mga pinag-labanang stakes races na nagpasigla sa 17th edisyon ng MARHO Breeders’ Cup.

Isa sa umani ng atensyon ay ang Gastambide na dinomina ang Classic race na pinaglabanan sa 2,000m distansya.

Kasabayan ng Gastambide na hawak ni JPA Guce ang Lord Of War, Barkley at Prime Rate pero may sapat pang lakas ang nanalong kabayo para maagwatan ng isang dipa ang Prime Rate ni Mark Alvarez.

Ito ang pinakamalaking panalo sa taon ng dehadong Gastambide at nagsungkit ng tambalan ang P1 milyong gantimpala para sa horse owner na si Marvin Villaseñor.

Ang iba pang nanalo ay ang Sea Princess sa Filly Mile at Fierce And Fiery sa Sprint Race.

Ipinaubaya muna ng Sea Princess sa coupled entry na Isla Verde na magdikta at pahirapan ang mga kalaban bago humarurot sa rekta at daigin ang Cheese Blanca.

Binawi naman ng Fierce And Fiery ni jockey Dan Camañero ang pagkatalo sa Philracom Grand Sprint Championships noong Nobyembre 11 matapos manaig sa 1,000m race.

Sa huling 100 metro kinuha ng tambalan ang lide-rato sa naunang lumayong Brother Barrack na tunay na napagod dahil nalampasan pa ito ng Water Shed sa ikalawang puwesto.

Halagang P500,000 ang naiuwing panalo ng Sea Princess na lahok ni Hermie Esguerra habang P200,000 naman ang sinungkit ng Fierce And Fiery para kay Leonardo Naval.

vuukle comment

BROTHER BARRACK

CHEESE BLANCA

DAN CAMA

FIERCE AND FIERY

FILLY MILE

FIRE DOWN UNDER

GASTAMBIDE

HAGDANG BATO

PRIME RATE

SEA PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with