^

PM Sports

Terrible Marvin nakondisyon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakondisyon ang Terrible Marvin sa huling takbo upang mapasaya ang mga nanalig sa kakayahan ng kabayo na  isa sa mga kuminang noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa Class Division 1-A pa rin kumarera ang kabayong nirendahan ni jockey CM Pilapil na buong dumating sa hanay ng siyam na naglaban sa 1,300m distansya.

Ito ang ikalawang takbo ng tambalan nitong Nobyembre at  bumawi ang Terrible Marvin sa pangalawang puwestong pagtatapos noong Nobyembre 8 matapos ta-lunin ang Deputy Jazz.

Bagama’t maganda ang naipakita sa huling takbo ay hindi napansin ang Terrible Marvin dahil sa pag-lahok ng iba pang matutuling kabayo tulad ng Big Pocket at Silver Ridge na bumaba ng dibisyon.

Pero sapat lamang ang lakas ng dalawa na tumapos sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

Lumabas bilang pinaka-dehado sa gabi ang Terrible Marvin para makapaghatid ng P51.50 sa win habang ang 8-5 forecast ay nagpasok ng P87.50 dibidendo.

Nagpasikat din ang ka-bayong Whenitrainsitpours matapos hirangin bilang pinakaliyamadong kabayo na nagwagi sa ikatlong gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.

Isang Special Handicap (2) race sa 1,300m distansya ang sinuong ng kabayong hawak ni jockey Mark Alvarez na sa huling karera ay nalagay lamang sa ikapitong puwesto.

 

vuukle comment

BIG POCKET

DEPUTY JAZZ

ISANG SPECIAL HANDICAP

MARK ALVAREZ

NOBYEMBRE

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SA CLASS DIVISION

SANTA ANA PARK

SILVER RIDGE

TERRIBLE MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with