^

PM Sports

Irving tengga uli ng 1-buwan matapos mabalian ng daliri

Pang-masa

CLEVELAND – Nang buksan ng Cavaliers ang kanilang training camp, sinabi ni star point guard Kyrie Irving na hindi siya nag-aalala na siya ay malapit sa injury.

Ngayon, mayroon siyang injury at hindi makaka-laro ng hindi bababa sa isang buwan dahil sa nabaling  hintuturo na unang na-diagnose ng Cavs na gasgas lamang bago nakita ang fracture sa mga isinagawang test.

Nagka-injury ang reigning rookie of the year sa third quarter noong Sabado kontra sa Dallas.

Negatibo ang X-rays at bumalik pa sa laro matapos balutin ang kanyang daliri.

Lumaro pa siya noong Linggo sa Philadelphia,  ngunit umiskor ito ng season-low na 9 points mula sa 4-of-14 shooting sa paglasap ng Cleveland ng ika-anim na sunod na talo.

Nitong Lunes ay nagpa-MRI siya at nakita ang gabuhok na non-displaced fracture na ayon sa Cavs ay lalagyan ito ng tape at splint at ire-reevaluate matapos ang dalawang linggo.

Noong summer, nagkai-njury din sa kamay ang 20-gulang na si Irving matapos hampasin ang may kutson na dingding sa isang practice sa Las Vegas. Noong nakaraang season, 15-games na di nakalaro si Irving dahil sa bukol at injury sa balikat.

vuukle comment

IRVING

KYRIE IRVING

LAS VEGAS

LINGGO

LUMARO

NAGKA

NANG

NEGATIBO

NITONG LUNES

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with