^

PM Sports

Ma’am Mika wagi sa MPDPC Trophy Race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magandang takbo ng Ma’am Mika nang dominahin ang Manila Police District Press Corps Charity Trophy Race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Pat Dilema ang hinete uli ng limang taong filly na anak ng Minsk sa Kim’s Army at naisantabi ang mahinang panimula sa 1,500m karera na nilahukan ng siyam na kabayo pero walo ang opisyal na bilang.

Pangpito ang kabayo sa alisan pero pagsapit sa unang liko ay nag-init na ang Ma’am Mika na nanalo sa huling takbo noong Oktubre 29.

Ginamit ng tambalan ang labas para pagpasok sa huling liko ay hinawakan na ang liderato sa karera.

Tuluy-tuloy na tinahak ng kabayo ang meta at nakapagtala ng winning time na 1:36.6 sa kuwartos na 18’, 25, 26, 27.

Rumemate rin ang Luna Rossa na sakay ni CM Pilapil at pinatawan ng magaan na 51 kilos para maunahan ang Babe’s Magic na diniskartehan ni Virgilio Camañero Jr. sa ikalawang puwesto.

Naghatid ang panalo ng P15.50 habang ang forecast na 6-4 ay may P250.50 dibidendo.

Tila kinulang pa si Dilema dahil sa sumunod na karera ay naipanalo ng class A jockey ang The Guardian sa MJCI Special Race sa 1,500m din.

Patok ang The Guardian sa siyam na tumakbo at walang nakaabot sa kabayong anak ng Excites sa Elusive Belle  matapos kunin ang bandera sa pagbubukas ng aparato.

May 1:35 winning time sa kuwartos na 17’, 25, 25’, 27  at nakapagtala ng halos limang dipang agwat sa Be My Queen.

Si Jessie Guce ay nakadalawang panalo rin at siyang nakakuha ng pinakamalaking panalo nang gabayan ang Magna Carta sa Amb. Eduardo Cojuangco Jr. Cup.

vuukle comment

BE MY QUEEN

EDUARDO COJUANGCO JR. CUP

ELUSIVE BELLE

LUNA ROSSA

MAGNA CARTA

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS CHARITY TROPHY RACE

MIKA

SAN LAZARO LEISURE PARK

SI JESSIE GUCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with