Miranda, Languido sa Milo Marathon Butuan
BUTUAN City , Philippines -- Dinomina nina Judelyn Miranda at Richeel Languido ang 21k Butuan leg, ang ika-16th yugto ng 36th National Milo Marathon kung saan may 7,859 runners ang nakibahagi kahapon dito.
Nagbulsa sina Miranda at Languido ng tig-P 10,000 sa kanilang panalo at pangungunahan ang mga qualifiers sa 36th Milo Marathon National finals sa December 9 sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Matapos ang Butuan leg, ang susunod na qualifying race ay sa Cagayan de Oro City sa November 25 na huling regional leg ng season.
Nagposte si Languido ng oras na 1:13:25 na sinundan nina Jerald Zabala (1:14:45) at Philip Dueñas (1:16:26).
Tinapos naman ni Miranda ang karera sa oras na 1:28:16 para sa kanyang ikaapat na Milo Marathon Butuan title, kasunod sina Vivian Avergonzaga (1:36:52) at Roxanne Maabang (:38:40).
Sa school category awards, ang Agusan National High School ay may lahok na 677 student runners para angkinin ang Biggest School Delegation award habang ang Patin-ay National High School Agusan ang itinanghal na Fastest School Delegation matapos magtala ng aggregate time na 23:48.57.
Kamakailan lamang ay nanalo sa Timex Run Davao si Miranda at sisimulan na niya agad ang pagsasanay para sa National finals.
- Latest