^

PM Sports

Grizzlies ipinalasap ang unang talo ng Knicks

Pang-masa

MEMPHIS -- Ang New York Knicks ang pinaka­hu­ling koponan na nakatikim ng kabiguan ngayong sea­son matapos ang 95-105 pagkatalo laban sa Memphis Grizzlies sa FedExForum.

Isang araw matapos bumangon sa fourth quarter la­ban sa San Antonio, nabigo naman ang Knicks (6-1) na makabawi mula sa iniskor na 24 points ni Memphis center Marc Gasol.

Nagdagdag naman si forward Zach Randolph ng 20 points at 15 rebounds na kanyang pang-walong su­nod na double-double.

Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Grizzlies (7-1) matapos ang kanilang unang kabiguan.

Umiskor si Carmelo Anthony ng 20 points para sa Knicks.

Sa Indianapolis, itinala ng Indiana Pacers ang pi­nakamalaki nilang panalo laban sa Dallas Mavericks sa loob ng 15 taon.

Umiskor sina David West at George Hill ng tig-15 points para tulungan ang Pacers sa 103-83 panalo kon­tra sa Mavericks.

Tinalo ng Pacers ang Mavericks, 104-80, noong Mar­so 26, 1997.

Sinabi ni Hill na ang panalo nila sa Dallas ay base sa ginawang pagbabago ni coach Frank Vogel.

Nagdagdag naman sina Roy Hibbert at Sam Young ng tig-14 points para sa Indiana.

Pinangunahan ni O.J. Mayo ang Mavericks (5-5) mu­la sa kanyang 19 points.

 

ANG NEW YORK KNICKS

CARMELO ANTHONY

DALLAS MAVERICKS

DAVID WEST

FRANK VOGEL

GEORGE HILL

INDIANA PACERS

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with