^

PM Sports

Persian Empire nakatikim ng panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Opisyal na nakatikim ng panalo ang Persian Empire nang dominahin ang 2YO Maiden-2 race noong Miyerkules sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hindi umubra ang panglulutsa ng Color Me Good na sakay ni Pat Dilema sa outstanding favorite na dala ni jockey Virgilio Camañero Jr. nang iwanan ito sa huling liko.

Napagod nang husto ang Color Me Good dahil nalampasan pa siya ng Gold More para sa ikalawang puwesto at kinapos ng anim na dipa sa Persian Empire.

Ang win ng patok na kabayo ay nagkahalaga ng P6.00 habang ang 7-2 forecast ay may P22.50 dibidendo.

Magandang pagbabalik din ang naiposte ng Star Of Manel habang kuminang ang Siamo Famiglia na siyang pinakadehadong nanalo sa walong karerang pinaglabanan sa ikalawang gabi sa pista ng Manila Jockey Club Inc.

Naisantabi ng Star Of Manel na sakay ni jockey Jeff Zarate ang mahinang alis matapos manalo ng halos walong dipa sa Oh So Discreet upang makuha ang unang panalo nang ibalik mula sa limang buwang pamamahinga.

SI CM Pilapil naman ang pinagdiskarte sa Siamo Famiglia at napalabas ng hinete ang bangis ng second choice sa karera tungo sa di inaasahang banderang tapos panalo sa 1,500m race sa class division 3.

Ikalawang panalo ito ng kabayo sa tatlong takbo pero una sa buwan ng Nobyembre at nakapaghatid ito ng P46.50 sa win habang ang tambalan nila ng Morayta na 1-11 ay mayroong P138.00 dibidendo. (AT)

vuukle comment

COLOR ME GOOD

GOLD MORE

JEFF ZARATE

MANILA JOCKEY CLUB INC

OH SO DISCREET

PAT DILEMA

PERSIAN EMPIRE

SAN LAZARO LEISURE PARK

SIAMO FAMIGLIA

STAR OF MANEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with