Erase xfoliant nanalasa
Nanalo ang Erase Xfoliant sa D-League game nila nung isang araw. Bale 2-1 na ang record nila at isa sila sa mga nasa itaas na team ngayon.
Masaya si Coach Aric at Lester del Rosario sa itinatakbo ng team nila ngayon.
Katuwang ng Erase Xfoliant ang Perpetual Help Dalta System college team.
Masaya rin ang team owners na sina Louie at Mark Gamboa dahil nakikita niyang determinado ang mga players niya na ma-improve ang standings nila from last conference.
“Masaya ako sa performance ng mga players, and I hope this winning streak will go on, para makatikim naman kami ng next round,” nakangiting pahayag ni Louie.
Galing sa talo sa PCCL Sweet 16 si Aric. Tinalo ng La Salle ang Perpetual sa larong inakala ni Aric ay kanila na.
“Yung mga bata, frustrated sa nangyari sa Batangas sa game nila sa PCCL kaya siguro dito na nila ibinuhos lahat ng galit nila. Maganda ang depensa ng mga bata at naniniwala akong kapag ganito ang laro nila in our next games, we have a very good chance of getting into the next round,” sabi ni coach Aric.
***
Mahalaga para sa mga teams na nasa ibaba ng PBA standings ang mga susunod na laro. Kailangang manalo pa sila para lang makapasok sa susunod na round.
Kahit ang Ginebra at Petron, hindi pa sure kaya kailangan din nilang manalo pa.
***
Hindi na nga ba muna sasali sa PCCL semis ang Letran Knights?
Seeded na sila dahil nasa Final 4 sila ng NCAA.
Pero sabi ng mga players, hindi raw yata sila sasali dahil wala pang coach.
Nililigawan daw ulit ng Letran si Louie Alas para magtuloy bilang coach for next season kahit na inaprubahan na ng Letran ang kanyang resignation.
***
Matapos mag-champion sa NCAA, nagpa-practice na ulit ang San Beda Red Lions.’Yan ay dahil sa paghahanda nila sa PCCL o Champions League.
Mabilis na lang ang panahon.
Just 7 months from now, NCAA na naman.
Ang next host ng NCAA ay ang College of St. Benilde.
- Latest