McClinton nagreyna sa world bodybuilding event
MANILA, Philippines - Hinirang si Luz McClinton bilang pinakamahusay sa buong mundo sa katatapos na World Bodybuilding and Fitness Federation (WBFF) Southwest U.S. Championship sa Oklahoma, USA.
Si McClinton, ang tanging Pinay na nagwagi ng Pro Fame Figure World Championship sa Estados Unidos noong 2010, ang kinilalang WBFF Pro Card Winner at Figure World queen.
Tinalo niya si Ashley Horner, ang 2011 NPC West Coast Classic Overall Figure titlist.
Si McClinton, nakilala bilang si Mama Luz sa Pinoy Big Brother House, ay nagwagi din ng bronze medal sa Diva Fitness sa naturang kompetisyon.
“Salamat po sa lahat ng inyong dasal. Sa wakas, nag-champion tayong muli. Alay ko po ito sa lahat ng mga ina na katulad ko,” ani McClinton, nakatakdang bumalik sa bansa ngayong araw.
Siya ay magtutungo sa Berlin, Germany sa susunod na linggo para sa isa pang kompetisyon.
Si McClinton ang overall champion sa Phil-Asian Pacific International Body Building Competition at nag-uwi ng 2012 Cebu Philippines at 2012 UBFFP Ms. Phil- Asia.
- Latest