^

PM Sports

Furniture King babangon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Furniture King ang pagkatalong inabot sa huling dalawang karera nang manalo sa 2YO M-M1-M2 race noong Huwebes sa Santa Ana Park  sa Naic, Cavite.

Si Jeff Zarate ang siyang pinagabay sa kabayo sa ikalawang sunod na pagkakataon at hindi ipinahiya ng class A jockey ang mga nanalig sa husay ng Furniture King nang pagharian ang 1,200m distansyang karera.

Namumuro ang kaba-yong pag-aari ni Antonio Tan Jr. na manalo matapos ang pangatlo at pangala-wang puwestong pagtatapos sa karerang ginawa noong Oktubre 17 at 28.

Hindi umabot ang Salt Mine habang ang Super Whaaa ni Pat Dilema na beterano ng malalaking juvenile stakes races ay tumawid sa ikatlong puwesto lamang.

Paborito ang Furniture King para makapaghatid ng P7.00 sa win habang ang 8-2 forecast ay nagpamahagi  ng P17.00 dibidendo.

Kuminang din ang kabayong Maker’s Mark sa class division 6 para lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa ikatlong araw ng pista sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.

Si Dan Camañero uli ang hinete ng kabayo na napangatawanan ang pagiging patok dahil bumaba ito ng dibisyon. Pumanga-lawa ang Be My Queen na diniskartehan ni Antonio Alcasid Jr. para sa ikalawang dikit na segundo puwestong pagtatapos.

May P6.00 ang ipi-namahagi sa win habang P15.00 ang sa 1-3 forecast.

Pinakadehadong kabayo na kuminang ay ang Banay Banay sa isang class division 1B race.

Kumabig ng P49.50 ang nanalig sa Banay Banay habang P171.50 ang 6-1 forecast.

 

ANTONIO ALCASID JR.

ANTONIO TAN JR.

BANAY BANAY

BE MY QUEEN

FURNITURE KING

PAT DILEMA

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SALT MINE

SANTA ANA PARK

SI DAN CAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with