^

PM Sports

Go Teng Kok puwedeng kumandidato kung...

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa oras na matanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) ang desisyon ng Korte Suprema na pumanig kay Go Teng Kok, kailangang ideklara ng POC Commission on Elections (Comelec) ang athletics chief na kuwa-lipikadong sumabak sa POC presidential race sa Nobyembre 30.

Ito ang pahayag ni Ricky Palou, miyembro ng isang three-man panel ng POC Comelec kasama sina dating Congressman Victorico Chaves at Bro. Bernard Oca ng La Salle, kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.

“He has not been disqualified as of the moment. He’s not eligible as well. But once the POC receives a copy of the Supreme Court ruling, we will approve his candidacy,” paglilinaw ni Palou.

May hanggang Nob-yembre 29 pa si Go para ipakita sa POC Comelec ang nasabing desisyon ng Korte Suprema.

Sina Palou, Chaves at Oca ang siya ring umupo bilang Comelec sa POC elections noong 2008 kung saan nakamit ni dating Congressman Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ang kanyang ikala-wang sunod na termino.

Kung magagawa ni Go na maipakita ang Supreme Court ruling ay maaari niyang labanan sa POC presidential race si Cojuangco.

“The decision of the Comelec (elections committee) is final. I don’t think it will be appealable to the POC board or the general assembly. I don’t think so,” wika ni Palou.

Idineklara si Go ng POC bilang ‘persona non-grata’ kasunod ang pagpapatalsik sa kanya ng POC General Assembly bilang miyembro noong 2010.

Inilapit naman ni Go ang naturang isyu sa Korte Suprema na kumampi sa kanya kasunod ang pagbasura sa inihaing petisyon ni Cojuangco.

Tumatakbo si Go bilang isang independent candidate at hindi kasama sa opposition block nina Monico Puentevella, hangad ang kanyang ikalawang termino bilang POC chairman, at Manny Lopez, asam na manatili sa kanyang pagi-ging POC first vice president.

BERNARD OCA

COJUANGCO

COMELEC

CONGRESSMAN JOSE

CONGRESSMAN VICTORICO CHAVES

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

KORTE SUPREMA

POC

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with