^

True Confessions

Hiyasmin (271)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MALAY mo, Lira, isang araw ay bigla kayong magkaroon ng communications ni Mam Maryam. Wala nang imposible ngayon dahil sa social media. May FB account ka ba Lira?” tanong ni Siony.

“Meron.”

“Baka isang araw makatanggap ka ng friend request mula kay Mam Maryam.”

“Kung mangyayari iyon, Siony, gusto ko, sila ni Hiyasmin ang magka-meet.”

“Dapat ikaw ang unang ma-meet ni Mam Maryam dahil alam niya ang name mo. Wala naman siyang idea kung ano ang name ng anak ni Rashid di ba?”

Napatango si Lira. Tama si Siony. Bago si Hiyasmin, siya muna ang hahanapin ni Mar­yam. At sana nga, nata­tandaan pa siya ni Mar­yam pagkalipas nang maraming taon.

“O gusto mo Lira, hanapin natin­ si Mam Maryam sa FB. Kapag nakita natin e di tayo na ang mag-friend request sa kanya.”

“Ayoko Siony. Gusto ko, sa kanya magsimula ang lahat.”

“Sabagay. Sige basta kung kailangan mo ang tulong ko, sabihin mo lang. Expert na ako sa social media, he-he!”

“Sige Siony.”

“Pero malakas talaga ang kutob ko na magkikita kayo ni Mam Maryam. Bihirang pu­maltos ang kutob ko.”

“Sana nga magka­totoo ang kutob mo, Siony.”

“Baka naman kapag nagkita na kayo ni Maryam at sabihin na merong mamanahing­ bilyones si Hiyasmin mula sa amang si Rashid ay makalimutan mo na ako. Kahit yung barya o butal ng bilyones ay payag na ako.”

“Sira ka talaga, Siony­. Napakaimposible mo!”

“Wala na ngang imposible ngayon.”

“O sige na nga, sa iyo na ang butal, ha-ha-ha!’

“Ganyan!”

(Itutuloy)

LIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with