“At isa pa rin kaya ako natutuwa ay dahil nga hindi ka aalis sa bahay kahit nakatapos ka na sa pag-aaral,’’ sabi ni Dax.
“Wala talaga akong maipipintas sa iyo Sir Dax—lubhang kakaiba ka sa lahat nang mga lalaki sa mundo. Para sa akin, perpekto ka, Sir Dax.’’
“Hindi naman. Marami pa rin sigurong katulad ko, Hiyasmin.’’
“Basta para sa akin, ikaw ay perpekto.’’
“Salamat, Hiyasmin. Kumain na tayo. Magselebreyt tayo.’’
“Sana kasama natin sina Nanay at Tatay, Sir Dax. Di ba sabi mo dadalaw sila—bakit hindi sila dumating?’’
“Tinext ko na sila. Baka masakit na naman ang paa ni Tatay dahil sa arthritis.’’
“Lalo siguro akong naging masaya kung narito sila ngayong graduation ko.’’
“Hayaan mo at iti-text ko sila. Kumain na tayo. Kapag kulang yan, order pa tayo.”
“Ang dami niyan, Sir Dax! Baka hindi natin maubos.’’
“I-take out natin!’’
Pasado alas siyete ng gabi sila nakauwi sa bahay.
Nagtaka si Hiyasmin kung bakit bukas ang ilaw sa salas.
“May tao sa bahay Sir Dax!”
“Sino kaya?’
Pumasok sila.
(Itutuloy)