“TALAGANG desidido ka nang dito titira kahit maka-graduate ka, Hiyasmin?’’ tanong ni Dax na naniniguro.
“Opo Sir Dax—kahit magkatrabaho ako.’’
“Matutuwa ang nanay ko kapag nalaman na dito ka pa rin—love na love ka nun.”
“Oo nga Sir Dax kaya love na love ko rin si Nanay.’’
“Pagpunta nila rito e sasabihin ko ang pasya mo.’’
“Kailan ba sila pupunta rito?”
“Itatanong ko—tatawagan ko mamaya.”
“Sana magpunta na sila rito-- wala na akong pasok. Makakapag-bonding kami ni Nanay nang ayos!’’
“Hayaan mo at sasabihin ko. Matutuwa yun.’’
“Makakapagluto kami nang masarap na ulam at magpapaturo rin ako sa paggawa ng espasol.’’
“A oo, marami pang alam na ulam yun—tuturuan ka nun.’’
“Mabait si Nanay, ano Sir Dax?”
“Sa iyo lang—masungit yun! Kahit sa amin ng kapatid ko, masungit at istrikto.”
“Talaga?’’
“Oo.’’
“Bakit kaya mabait sa akin si Nanay?”
“Siguro ay dahil sabik siya sa anak na babae.’’
“Baka nga, Sir Dax.’’
“At saka sabi niya, gandang-ganda raw siya sa iyo.’’
Napangiti si Hiyasmin.
“Kaya nga hindi ko talaga maiiwan ang bahay na ito, Sir Dax. Napakabait ninyo sa akin.’’
“Salamat Hiyasmin at nagustuhan mo rito.’’
“Kahit pa anong mangyari, ito pa rin ang pipiliin kong tirahan, Sir Dax. Wala akong masasabi dahil dito ko nadama na labis akong minahal at pinahalagahan.’’
Hindi makapagsalita si Dax.
Hindi niya alam ang sasabihin kay Hiyasmin.
Itutuloy