Hiyasmin (107)

“Hindi ka pa kumakain Sir Dax?’’ nagtatakang tanong ni Hiyasmin.

“Hindi pa. Ikaw kumain na?’’

“Meryenda lang.”

“Halika. Di ba yung restawran na yun ang nagsi-serve ng masarap na chicken inasal,’’ tanong ni Dax habang nakaturo sa restaurant pagtawid.

“Opo. Kabubukas lang ng restaurant na ‘yan.’’

“Halika, nagngangalit na ang sikmura ko sa gutom.”

“Bakit kasi hindi ka kumain Sir Dax?’’

“E gusto ko kasi, sabay tayong kakain.’’

“Nagtiis ka ng gutom dahil sa paghihintay sa akin.’’

“Okey lang yun! No problem.’’

Tumawid sila sa kabila.

Pumasok sila sa restaurant.

Pinili ang mesang malapit sa may hagdan.

Nilapitan sila ng babaing crew at binigyan ng menu.

Nag-order si Dax. Dalawang order ng chicken inasal with rice, coleslaw at dalawang pineapple juice.

Maya-maya lang dinala na ang order nila.

“Wow bilis mag-serve!’’ sabi ni Dax at kumain na sila.

Pumiraso si Dax.

“Masarap nga ang chicken nila! Kakaiba,” sabi ni Dax.

“Oo nga Sir Dax. Malinamnam!’’

“Malambot at juicy!’’

Matatapos na silang kumain nang may bumati kay Hiyasmin. Lalaki. Guwapo.

“Hi Hiyasmin!’’

Napatingin si Dax sa lalaki.

(Itutuloy)

Show comments